Arezzo

Ang Arezzo (ə-REH -tsoh, ah-REH -tsoh, Italyano: [aˈrettso]; Latin: Ārētium o Arrētium) ay isang lungsod at komuna sa Italya at ang kabisera ng lalawigan ng parehong pangalan na matatagpuan sa Tosacana. Ang Arezzo ay humigit-kumulang 80 kilometro (50 mi) timog-silangan ng Florencia sa taas na 296 metro (971 tal) itaas ng antas ng dagat. Noong 2013, ang populasyon ay halos 99,000.


Developed by StudentB